Thursday, June 25, 2026

DepEd Sec. Angara, nagpatawag ng security briefing sa ilang ahensya ng pamahalaan kasunod ng mga karahasan sa mga eskwelahan

Nakipagpulong si Education Secretary Sonny Angara sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
 
Ang nasabing security briefing ngayong Huwebes ay nakatuon sa intelligence sharing, pagpapabilis ng pagtugon sa mga banta, at pagpapatibay ng mga cyber at physical security protocol sa mga kampus sa buong bansa.
 
Layon ng pakikipag-ugnayan ng Department of Education (DepEd) sa PNP, mga lokal na pamahalaan, at ilang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang seguridad sa mga paaralan, palawakin ang mga serbisyong nagpoprotekta sa mga mag-aaral, at tulungan ang mga apektadong komunidad ng paaralan.
 
Nagpalabas na rin ang DepEd ng pondo para makabili ang mga pampublikong paaralan ng handheld metal detectors at para sa pagsasaayos ng mga perimeter fence.

Facebook Comments