
Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naisumite na sa kanila ang kopya ng paliwanag ni dating Ateneo Basketball head coach Tab Baldwin.
Ayon sa DOLE, natanggap nila pasado alas-tres ngayong hapon ang verified answer ad cautelam kaugnay sa imbestigasyon sa status ng permit ni Baldwin para makapagtrabaho sa Pilipinas.
Sa ngayon ay nire-review na ng kagawaran ang mga isinumiteng dokumento batay sa umiiral na batas kabilang ang Labor Code at ang Department Order na nagtatakda ng mga patakaran sa employment ng mga foreign national sa bansa.
Una nang pinadalhan ng subpoena si Baldwin para patunayan na valid ang kaniyang Alien Employment Permit at ipaliwanav ang nangyari noong June 8 sa Dipaculao, Aurora na nauwi sa pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Samantala, tuloy naman sa June 29 ang pagdinig kung saan inaasahang personal na haharap si Baldwin.










