
Ipinatutupad na ng Senado ang suspension order kay Senator Jinggoy Estrada na ipinataw ng Sandiganbayan Second Division dahil sa graft at plunder cases kaugnay sa maanomalyang flood control scam.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., Lunes, June 22, ay ipinadala na ni Senate President Sherwin Gatchalian sa opisina ni Estrada ang 90-day suspension order sa senador.
Dahil suspendido ang mambabatas habang may imbestigasyon sa kaso, 90 araw ding hindi makakatanggap ng sahod at allowances si Estrada.
Hindi naman kasama sa masususpinde ang operasyon ng opisina ni Estrada kaya patuloy na makakapagtrabaho at makakatanggap ng sweldo ang mga empleyado sa opisina nito.
Sa tingin naman ni Bantug ay kasama sa hindi magagampanan ni Estrada ang pagiging senator-judge sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.










