Pangagampaniya, hindi muna prayoridad ni Mayor Isko Moreno

47

Muling iginiit ni Mayor Isko Moreno na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya prayoridad ang pangangampanya.

Sa pahayag ni Mayor Isko, kaniyang munang tinututukan ang sitwasyon ng bawat manileño lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya.

Mas maiging maging prayoridad daw sa ngayon sa Maynila ay bakuna, gamot at kalinisan.


Maging ang mga aktibidad na may kinalaman sa kanyang presidential bid ay hindi niya muna prayoridad dahil nakatuon ang kaniyang pansin sa pagtugon sa panawagan ng publiko para sa mas agresibong pagbabakuna.

Kasabay rin dito ang pagbili ng mga kakailanganin tulad ng anti-COVID medicines at iba pang mga gamit para sa kalusugan ng bawat manileño.

Kaugnay nito, personal na iniikutan ng alkalde ang mga ikinakasang vaccination sites sa kanilang lungsod upang makita kung maayos na naipapatupad ang sistema ng pagbabakuna.



Facebook Comments