Tuesday, June 23, 2026

DFA, nilinaw na walang Pinoy na nadamay sa nangyaring gas explosion sa Ras Laffan Facility sa Qatar

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa nangyaring gas explosion sa Ras Laffan facility sa Qatar.

Sa naturang insidente, 13 ang nasawi at 66 ang nasugatan.

Sa kabila nito, hinimok ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na mangangailangan ng assistance na makipag-ugnayan lamang sa kanila.

Nagpaabot na rin ng pakikipagsimpatiya ang DFA at ang embahada ng Pilipinas sa pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments