
Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maaaring mabatikos ang pagpapalawak ng kalakalan ng Pilipinas sa Russia at maiugnay ito sa pagpopondo sa digmaan sa Ukraine.
Ayon sa pangulo, magiging maingat ang pamahalaan sa pakikipagkalakalan sa Russia at iba pang bansa upang matiyak na hindi ito makaaapekto sa posisyon ng Pilipinas bilang tagasuporta ng kapayapaan.
Gayunman, iginiit ng pangulo na nananatiling panig sa kapayapaan ang Pilipinas at hindi nito nais na makadagdag sa anumang sigalot sa mundo.
Binigyang-diin din niya na maliit lamang ang kalakalan ng Pilipinas sa Russia kumpara sa kabuuang ekonomiya ng bansa, kaya hindi aniya ito maituturing na may mahalagang papel sa pagpopondo ng anumang armadong tunggalian.
Facebook Comments










