DFA, wala pang natatanggap na ulat na may mga Pilipinong nadamay sa pananalasa ng buhawi sa Amerika

83

Kinumpirma ng Philippine Embassy na wala pa silang natatanggap na ulat na may nadamay na mga Pinoy sa pananalasa ng buhawi sa anim na estado sa Amerika.

Sa report, dose-dosenang buhawi ang tumama sa anim na estado sa Amerika kung saan pinangangambahang mahigit 100 ang nasawi.

Kasabay nito, hinimok ng Philippine Embassy sa Washington, D.C., ang mga Pilipino doon na agad na makipag-ugnayan sa kanila at mag-antabay sa mga abiso ng mga otoridad.


Sa ngayon ay patuloy ang search and rescue operations sa mga biktima ng mga buhawi.

Facebook Comments