
Muling sasabak sa mga private meeting kasama ang iba’t ibang ahensya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Ito’y para talakayin ang budget execution o kung paano gugugulin ng bawat departamento ang kanilang mga pondo.
Una sa schedule ng Pangulo ang pulong nito kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at sa kapatid nitong si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.
Kahapon ay nauna na ring pinulong ng Pangulo ang Department of Labor and Employment at Department of the Environment and Natural Resources (DENR).
Hindi naman batid kung may iba pang agenda bukod sa budget review.
Mamayang hapon naman ay pupulungin ng Pangulo ang Private Sector Advisory Council.
Facebook Comments