
Cauayan City – Libreng sakay ang hatid ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan para sa mga Cauayeño na makikisaya ngayong Bambanti Festival 2025.
Sa inilabas na anunsyo ng LGU Cauayan, bilang pagpapakita ng suporta sa mga kalahok ng Lungsod ng Cauayan ay maghahatid ng libreng sakay ang LGU Cauayan mula Cauayan City Hall hanggang Provincial Capitol, Ilagan City.
Ang libreng sakay ay isasagawa sa January 22 para sa Queen Isabela Grand Coronation Night at sa January 24 para naman sa Street Dance and Showdown Competition.
Sa January 22, magsisimula ang 1st trip alas nuwebe ng umaga, susundan ng alas dos ng hapon, at alas kuwatro ng hapon, habang ang last trip ay alas sais ng gabi.
Samantala, dalawang bus naman ang maghahatid sa January 24 ganap na alas nuwebe ng umaga.