Thursday, August 27, 2026

DILG, confident na magiging payapa ang BARMM Parliamentary Elections

Tiwala si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na magiging payapa ang ikakasang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa September 14.

Limang libong pulis at iba pang personnel ang ide-deploy sa rehiyon para sa nasabing eleksyon, at mananagot umano kay Remulla at kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. sakaling magkaroon ng karahasan sa panahon ng eleksyon.

Ayon kay Remulla, 98% na ang nagawang paghahanda para dito at sisiguruhin umano nila na walang karahasang mangyayari sa rehiyon.

Kasabay nito, hinimok din ni Remulla ang mga botante na piliin nang mabuti ang iboboto dahil kinabukasan ng kanilang rehiyon ang nakataya dito.

Facebook Comments