
Para kay House Prosecutor at Manila 3rd district Rep. Joel Chua, mainam na payagan din ang camera ng media sa loob ng Senate Impeachment Court habang isinasagawa ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte para mas mapag-ibayo ang pag-iral ng transparency.
Pinaalala ni Chua na noong panahon ng impeachment trial kina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Chief Justice Renato Corona ay pinapayagan ang camera ng mga news organiations sa loob ng korte.
Sa ngayon ay bawal sa loob ng impeachment court ang mga camera ng television networks at iba pang news organizations kaya umaasa lang sila sa official Senate video feed.
Giit ni Chua, dapat hayaan ang mga mamamahayag na gawin ang trababo nila dahil mahalagang makita ng publiko ang kabuuang ng impeachment trial at hindi kung ano lang ang nahahagip ng isang official camera ng Senado.
Ayon kay Chua, maari namang magpatupad ang impeachmeny court ng mahigpit na patakaran para matiyak na hindi makakaapekto sa impeachment proceedings ang mga camera ng media.










