
Walang pasok sa buong Ilocos Norte bukas, Setyembre 11, 2026, bilang paggunita sa ika-109 kaarawan ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Sa Proclamation No. 1421 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, idineklarang special non-working day ang Setyembre 11 sa buong lalawigan.
Layunin ng deklarasyon na bigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Ilocos Norte na makilahok sa mga aktibidad para sa okasyon.
Pangungunahan naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga programang inihanda para sa paggunita.
Samantala, special non-working day rin bukas sa Bais City, Negros Oriental, para sa pagdiriwang ng Hudyaka Festival o Pista ng Anihan.
Facebook Comments










