Thursday, September 10, 2026

DPWH, nagsagawa na ng inspeksiyon sa pinalawak na drainage inlets sa EDSA Estrella upang mabawasan ang pagbaha

Personal na ininspeksiyon ngayong umaga ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang bagong pinalawak na drainage inlets sa kahabaan ng EDSA Estrella southbound sa Makati City.

Aniya, tatlong inlets na ang pinalawak batay na rin sa disenyo ng mga engineers ng DPWH para sa mas malaking volume ng tubig-ulan patungo sa underground drainage system.

Ito ay para maiwasan ang pagbaha sa kalsada, lalo na kapag malakas ang ulan.

Inaasahan ding makatutulong ang pinalawak na drainage inlets upang manatiling madaanan ang EDSA at mabawasan ang matinding pagsisikip ng trapiko na dulot ng pagbaha.

Patuloy namang isinusulong ng DPWH ang mga proyektong pagpapabuti ng drainage system bilang bahagi ng paghahanda laban sa pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments