DMW, nagbabala laban sa Facebook job scams

62

Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga natatanggap na job offers mula sa hindi awtorisadong recruiters lalo na sa social media platforms tulad ng Facebook.

Ito ay kasunod ng mga job scam sa online na nambibiktima ng overseas applicants.

Pinayuhan ng DMW ang mga OFW na huwag nang pumatol pa sa mga ganitong illegal recruiters.


Hinikayat din ng ahensya ang mga nais magtrabaho abroad na beripikahin muna ang mga natatanggap na job offers sa DMW verification system upang hindi mabiktima ng illegal recruiters.

Facebook Comments