Wednesday, August 19, 2026

PBBM, magsasagawa ng situation briefing sa MMDA ngayong hapon kaugnay ng pagbaha sa Metro Manila

Nakatakdang tumanggap ng situation briefing si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa main office ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City alas-2 ngayong hapon.

Ilalahad sa Pangulo ang pinakahuling lagay ng mga kalsada at mga lugar na binaha sa Metro Manila, habang patuloy ang pagmomonitor sa epekto ng Habagat at pag-ulan.

Bukod sa MMDA, inaasahang magbibigay din ng ulat sa Pangulo ang Office of Civil Defense (OCD), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Metro Manila Council (MMC).

Inaasahang magbibigay ang pangulo ng mga kinakailangang direktiba sa mga ahensya ng pamahalaan para sa agarang pagtugon sa pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon.

Facebook Comments