Tuesday, August 18, 2026

Ilang guro at public servants na nagpapakita ng maling asal at ginagawang normal ang pagbabanta, sinita ng Malacañang kasunod ng pamamaril sa Zamboanga

Huwag gawing normal ang pagbabanta at pang-aabuso, lalo na kung maaari itong maging maling halimbawa sa mga kabataan.

Ito ang panawagan ng Malacañang kasunod ng insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga na ikinasawi ng dalawang estudyante.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, mahalaga ang papel ng mga paaralan at guro sa paggabay sa mga kabataan, bukod sa kanilang mga magulang.

Sinita rin ni Castro ang ilang guro na aniya ay nagtuturo ng maling asal at kawalang-galang sa kanilang mga estudyante.

Kaugnay nito, umapela rin si Castro sa publiko na huwag i-tolerate ang mga pagbabanta sa social media, kabilang ang mga public servants na nagsasabing handang pumatay kapag hindi sang-ayon sa opinyon ng iba.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalimang imbestigasyon sa insidente.

Plano rin ng Department of Education na dagdagan ang metal detectors at security personnel sa mga pampublikong paaralan.

Facebook Comments