Wednesday, May 13, 2026

Harassment at pananakot, walang lugar sa Senado — Malacañang

Iginiit ng Malacañang na hindi dapat mauwi sa harassment o gulo ang tensyon sa Senado kaugnay ng kasalukuyang sitwasyon doon.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang dahilan para magbangayan o manakot ang magkabilang kampo lalo na kung tumutupad lamang sa batas ang mga awtoridad.

Tanong ni Castro, bakit kailangang magalit kung magsisilbi lang naman ng arrest warrant ang mga awtoridad na sumusunod sa utos ng korte.

Binigyang-diin pa ng Palasyo na hindi dapat ibunton sa gobyerno ang galit dahil ginagawa lamang ng mga opisyal ang kanilang tungkulin sa ilalim ng batas.

Sa halip na harassment at tensyon, sinabi ni Castro na mas mabuting unawain at sundin na lamang ang umiiral na batas.

Facebook Comments