Monday, May 18, 2026

DOE, may nakikita nang magandang power outlook; pero sa Visayas, nananatiling manipis ang supply ng kuryente

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na may nakikita na silang magandang power outlook bagamat may banta ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Energy Undersec. Wimpy Fuentebella, ang pagpasok ng tag-ulan ay makakatulong sa hydro power plants at makakabawas sa demand ng supply ng kuryente.

Kinumpirma ni Fuentebella na sa Luzon naman ay isang Yellow Alert na lamang ang nakikita ng DOE pero sa Visayas ay nananatiling manipis ang supply ng kuryente.

Samantala, inihayag ni Energy Sec. Sharon Garin na hanggang ngayon ay wala pa ring paliwanag ang NGCP kung bakit pumalya ang dalawang major transmission lines na nagresulta sa Red at Yellow Alerts sa Luzon at Visayas grids.

Facebook Comments