
Nirerespeto ng Philippine National Police (PNP) ang uri ng pagpapahayag ng saloobin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng panawagan nito na suportahan sya ng mga kasamahan sa Philippine Military Academy (PMA).
Nabatid na kinanta kanina ni Sen. Dela Rosa ang bahagi ng PMA Hymn bilang mensahe ng “courage, integrity, and loyalty.”
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, tinitingnan nila ito na kakaibang paraan ng paglabas ng hinaing at hindi isang panawagan para sa rebelyon.
Aniya wala namang nakikitang paglabag sa batas ang ginawa ng nasabing senador ngunit hahayaan pa rin na tingnan ito ng legal team ng PNP.
Facebook Comments










