Wednesday, May 13, 2026

Ex-Iloilo Mayor Jed Mabilog, bagong DILG Undersecretary

Kinumpirma ng Malacañang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog bilang Undersecretary for Public Safety ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Inaasahang manunumpa si Mabilog sa Malacañang ngayong hapon.

Matatandaang napilitang umalis ng bansa si Mabilog noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang iugnay sa ilegal na droga, bagay na mariin niyang itinanggi.

Bumalik si Mabilog sa Pilipinas noong Setyembre 2024 matapos ang ilang taong self-exile.

Sa kanyang bagong posisyon sa DILG, kabilang si Mabilog sa pangangasiwa sa public safety at mga lokal na pamahalaan sa bansa.

Facebook Comments