Tuesday, May 19, 2026

Palasyo, binatikos ang magkaibang tindig ni Sen. Robin Padilla sa usapin ng pagharap sa warrant of arrest

Kinuwestyon ng Malacañang ang pananahimik ni Senator Robin Padilla sa gitna ng pagbibigay ng Senado ng protective custody kay Senador Ronald Bato dela Rosa kaugnay ng umano’y warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Ito’y matapos lumitaw ang lumang video ni Padilla kung saan nananawagan siyang sumuko at humarap sa batas si dating senador Antonio Trillanes.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tila nagbago ang paninindigan ni Padilla ngayong sangkot na ang kanyang kaalyado sa usapin ng batas.

Binigyang-diin din ng Malacañang na dapat maging mapanuri ang publiko sa mga opisyal na may magkaibang tindig depende kung sino ang nasasangkot sa kaso.

Facebook Comments