PUV operators na lalabag sa itinakdang 70% passenger capacity, binalaang paparusahan

224

Inatasan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga operator ng mga pampublikong sasakyan o PUV na sundin ang 70% passenger capacity sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Kasunod nito ay nagbabala rin Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator ng PUV na maaaring pagmultahin at ma-impound ang kanilang sasakyan kung sila ay lalabag sa health at safety protocols.

Maaaring ikonsiderang paglabag sa kondisyon ng prangkisa ng isang PUV ang hindi pagsunod sa naturang protocol at mahaharap sa kasong kriminal ang mga tsuper na lalabag.


Samantala, magsasagawa naman ng random antigen testing ang DOTr sa mga magboboluntaryong pasahero at magtatalaga rin ng mga train marshalls sa loob ng tren at mga istasyon bilang bahagi ng pagpapatupad ng health at safety protocols.

Facebook Comments