DOH, nakapagtala ng bagong 6 na kaso ng Omicron subvariant BA.5 at 10 bagong kaso ng BA.2.12.1.

130

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang naitalang 6 na bagong kaso ng Omicron subvariant BA.5 at 10 bagong kaso naman ng subvariant BA.2.12.1.

Sa mga bagong kaso ng BA.5, 2 rito ay mula Metro Manila habang ang 4 na iba pang kaso ay mula sa Cagayan Valley, Western Visayas, Northern Mindanao at Ilocos Region.

Ang 5 sa kanila ay gumaling na at ang isa ay kinukumpleto pa ang kanyang isolation.


Habang sa BA.2.12.1 na bagong mga kaso, 4 dito ay mula sa Metro Manila at 2 mula sa Calabarzon.

Habang ang iba pang mga bagong kaso ay mula sa Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas at ang isa pa ay returning overseas Filipino.

8 sa mga ito ay gumaling na habang ang isa ay nagpapagaling pa at ang isa pang kaso ay patuloy pang bine-verify.



Facebook Comments