Tuesday, November 17, 2026

Suspek sa pag-o-online grooming sa isang 9-anyos na bata; arestado; 30-anyos na lalaki, iniharap sa NBI

Kalaboso ang isang lalaking nasa edad 30-anyos nang ireklamo ng ina ng biktima matapos kuhanin ang loob ng kaniyang anak na 9 na taong gulang upang maging karelasyon.

Tumagal ng anim na buwan ang nangyaring pag-groom ng lalaki na umabot sa pagpapalitan ng mga maseselang larawan at video mula sa batang babae sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, matagumpay na nailigtas ang biktima sa isinagawang rescue operation sa Bulacan.

Kasalukuyan nang inihahanda ng mga awtoridad ang mga karagdagang kasong isasampa laban sa suspek, kabilang na ang posibleng paglabag sa probisyon ng human trafficking at exploitation.

Kasabay nito, nanawagan at nagpaalala ang NBI sa mga magulang na maging maingat at tiyaking nababantayan ang online activities ng kanilang mga anak upang makaiwas sa mga online predator.

Facebook Comments