
Dumipensa si Senator Bam Aquino para sa pamangkin na si Joshua Aquino matapos na makatanggap ng pang-iinsulto mula sa ilang content creators sa isang podcast.
Ayon kay Aquino, ang totoong macho ay hindi nagmamaliit sa mga taong may kapansanan.
Sinabi ng senador na mabait at mabuting mamamayan ang mga pamangkin na si Josh at Bimby at walang karapatan ang sinuman na magmaliit sa lahat ng mga taong may kapansanan.
Diin pa ni Aquino, matapos makita ang napakaraming dumipensa kay Josh at sa lahat ng mga Pilipinong may kapansanan, malinaw na ang pagpapakita ng paggalang sa karapatan ng mga person with disability (PWD) ay pangunahin at pagiging isang disente ng bansa.
Dagdag pa ni Aquino, may mga legal na hakbang na ring ginagawa ang kampo ng pamangkin laban sa mga content creators.










