Tuesday, October 20, 2026

1PWD Party-list Rep. Castro, inimbitahan ni Atty. Melvin Matibag sa NBI

Dalawa sa limang hosts ng ‘Machong Chismisan’ na si Daniel Lawrence Vivar o mas kilala sa tawag na “Engineer Triathlete” at Philipp Joshua De Leon o “Tito P” ang tumugon lamang sa ipinadalang subpoena ng NBI kaugnay ng kanilang kontrobersyal na pamamahiya sa kanilang podcast.

Sa press briefing na isinagawa ni Atty. Melvin Matibag, kinumpirma nito na hindi dumalo sa naturang subpoena ang iba pang host.

Ipinaalala ni Matibag na magsilbing aral ang nangyaring insidente na hindi nararapat ang anomang klase ng diskriminasyon at pambabastos sa mga taong kabilang sa persons with disability (PWD) community.

Inimbitaban rin ni Matibag si 1PWD Party-list Rep. JD Castro sa NBI upang magsilbing kinatawan at boses ng sektor ng may kapansanan, kabilang na ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa isinampang kaso ng naturang party-list sa podcast group.

Iginiit ni Castro na ipagpapatuloy ang kaso at hindi magiging sapat ang simpleng sorry upang balewalain ang nangyaring pag-apak sa imahe ng mga gaya nilang person with disability.

Facebook Comments