Thursday, August 13, 2026

DOJ, kinumpirmang natanggap na ang pormal na extradition request ng Estados Unidos kay Pastor Apollo Quiboloy at 2 pang kapwa akusado

Pinag-aaralan pa ng Department of Justice ang request ng Estados Unidos para dalhin sa kanila o i-extradite si Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pang indibidwal na kapwa nito akusado.

Pahayag ito ng DOJ kasabay ng pagkumpirma na noong nakaraang Biyernes nila natanggap ang pormal na hiling.

Ayon kay Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, wala pang eksaktong timeline kung kailan naman maihahain sa korte ang request para desisyunan kung maaaring ipatupad ang extradition.

Bagama’t hindi pa masabi ngayon kung ipapadala nga sa ibang bansa si Quiboloy ay sinabi ni Chan na mahalagang sumunod ang Pilipinas sa mga kasunduan upang hindi sumama ang imahe natin sa ibang bansa.

Patuloy naman aniya na uusad ang mga kaso na kinakaharap ng religious leader sa mga lokal na korte kahit dinidinig ang petisyon para sa kaniyang extradition.

Facebook Comments