
Hindi pa nagbibigay ng posisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga panukalang muling ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kailangang makita at mapag-aralan muna ng pangulo ang mga dahilan at detalye ng panukala bago siya magpasya.
Isa sa mga nagsusulong ng panukala si Senate President Francis “Chiz” Escudero, na nagsabing maaaring makatipid ang gobyerno ng ₱16 bilyon kung muling ipagpapaliban ang halalan sa November 2.
Maaari umanong gamitin ang matitipid para sa mga sektor na apektado ng krisis sa enerhiya dulot ng giyera sa Gitnang Silangan.
Samantala, nauna nang sinabi ng Commission on Election (COMELEC) na handa na ito para sa BSKE sa Nobyembre.
Facebook Comments










