
Itutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang waste-to-energy program para gawing kuryente ang basura at mabawasan ang tambak na basura sa mga landfill.
Ayon sa pangulo, pinag-aaralan na ng gobyerno ang mga posibleng lokasyon ng mga waste-to-energy facility bilang alternatibo sa pagtatapon ng basura sa landfill.
Makatutulong din aniya ito sa mga lokal na pamahalaan dahil mababawasan ang gastos sa paghahakot at pagtatapon ng basura.
Inaasahan ni Marcos na maaaring makita ang proyekto sa loob ng isa hanggang isang taon at kalahati, at tiniyak niyang itutulak ng pamahalaan ang mabilis na pagpapatupad nito.
Bukod sa solusyon sa problema sa basura, sinabi ng Pangulo na makapagbibigay rin ng dagdag na suplay ng kuryente ang mga pasilidad dahil bibilhin ng Department of Energy (DOE) ang enerhiyang malilikha mula sa waste-to-energy plants.










