Thursday, August 13, 2026

PBBM, walang alam sa umano’y P24-B ‘leadership fund’ para sa mga senador

Walang ideya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y ₱24-bilyong “leadership fund” na inilaan umano para sa mga senador.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos sabihin ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Sandiganbayan na may tig-₱500 milyon umanong pondo ang bawat senador at ₱1 bilyon naman sa mga Senate committee chairperson para sa mga proyektong kanilang inirerekomenda.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kung alam ng pangulo ang naturang pondo, hindi niya ito papayagan.

Sinabi rin niyang wala ring alam dito si DPWH Secretary Vince Dizon.

Iginiit din ng Palasyo na wala ring “leadership fund” sa panukalang 2027 DPWH budget.

Ang mga proyekto, ayon sa DPWH, ay dapat nakabatay sa pangangailangan ng mga lugar at may kumpletong dokumento bago maisama sa budget.

Facebook Comments