Tuesday, August 11, 2026

Basura sa Parañaque, hindi lang problema ng isang lungsod ayon kay PBBM; publiko at LGUs, dapat maging responsable sa pagtatapon ng basura

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan at publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura matapos tumambad ang tambak na basura sa mga kanal sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon sa pangulo, hindi umano galing sa Parañaque ang malaking bahagi ng basura kundi inanod mula sa ibang lugar.

Malaki aniya ang pinsalang maaaring idulot ng maling pagtatapon ng basura, lalo na ngayong nakakaranas ng matinding pag-ulan at pagbaha ang Metro Manila.

Kasabay nito, sinabi ni Marcos na itutuloy ng pamahalaan ang Waste-to-Energy program, kung saan poproseso ang basura at gagawing kuryente gamit ang teknolohiyang matagal nang ginagamit sa ibang lugar.

Facebook Comments