Pormal nang binuksan at pinasinayaan ang bagong Day Care Center sa Barangay Salapingao sa Dagupan City.
Bahagi ito ng patuloy na pagpapalawak ng mga serbisyong pang-edukasyon para sa mga batang nasa early childhood stage at mabigyan sila ng ligtas, maayos, at angkop na kapaligiran para sa kanilang pagkatuto at paghubog ng kakayahan sa murang edad.
Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod na ang pamumuhunan sa maagang edukasyon ay mahalagang pundasyon sa paglinang ng kaalaman, mabuting asal, at paghahanda ng mga bata tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Ang bagong Day Care Center ay inaasahang magsisilbing sentro ng pagkatuto kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga batang residente ng Salapingao na mapaunlad ang kanilang kakayahan at maging handa sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











