Sa inilabas na public advisory, ipinagbabawal ang pagdadala ng buhay na baboy, manok, at iba pang by-products na nagmumula sa mga bayan ng Infanta, San Quintin, at Bolinao matapos makumpirma ang mga kaso ng naturang mga sakit sa mga lugar na ito.
Batay sa ulat, nagpositibo sa ASF ang bayan ng Infanta na may tatlong apektadong barangay, habang naitala naman ang Bird Flu o AI Subtype H5N1 sa apat na barangay sa San Quintin at isang barangay sa Bolinao.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang mga sample ay sinuri ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory–Region 1 at kinumpirma ng Bureau of Animal Industry–Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory.
Hinikayat din ng mga awtoridad ang publiko at mga negosyante na makiisa sa pagpapatupad ng mga biosecurity measures at sundin ang umiiral na mga regulasyon upang maprotektahan ang industriya ng paghahayupan at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba pang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








