Wednesday, July 1, 2026

OP, naglaan ng P150K sa bawat pamilya ng mga nasawing estudyante sa Tacloban; P50K, ipagkakaloob naman sa mga sugatan

Magkakaloob ang Office of the President (OP) ng tulong pinansiyal sa mga pamilya ng mga estudyanteng nasawi at sa mga nasugatan sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Inanunsiyo ito ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro kasunod ng insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng mga menor de edad o children in conflict with the law.

Ayon kay Castro, batay sa impormasyon mula sa Office of the President, makatatanggap ng tig-P150,000 ang pamilya ng tatlong estudyanteng nasawi.

Samantala, tig-P50,000 naman ang ipagkakaloob sa 18 estudyanteng nasugatan sa insidente.

Nilinaw ni Castro na bukod pa ito sa mga nauna nang tulong na ipinagkaloob ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

Facebook Comments