
Maituturing nang isang krisis ang patuloy na karahasan sa mga paaralan.
Ito ang reaksyon ni Senate President Win Gatchalian sa panibago nanamang krimen na nangyari sa loob ng eskwelahan sa San Carlos City, Negros Occidental kung saan pinagsasaksak ng isang Grade 10 student ang kaeskwela na Grade 9 student.
Nagtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng torso ang biktima na kasalukuyang nagpapagaling ngayon.
Nababahala ang senador dahil hindi pa tapos ang pagluluksa ng bansa sa trahedyang naganap sa isang paaralan sa Tacloban City kung saan dalawang estudyante ang suspek sa pamamaril at pagpatay sa tatlong kapwa mag-aaral, mayroon nanamang panibagong krimen na nangyari rin sa loob ng paaralan.
Iginiit ni Gatchalian na hindi nila papayagang maging normal ang ganitong uri ng mga insidente sa mga paaralan kaya maghahain siya ng resolusyon para masuri ang bigat ng suliranin at matukoy ang mga solusyon para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa paaralan.










