Monday, August 31, 2026

DPWH, dodoblehin ang kapasidad ng Tumana Pumping Station; cleaning at flushing operations sa Marikina, patuloy

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na doblehin ang kapasidad ng Tumana Pumping Station sa Marikina City kasunod ng muling pagbaha sa lugar dahil sa malalakas na pag-ulan.

Bukod sa pagpapalaki ng pumping station, ginawa ring prayoridad ng DPWH ang agarang pagsasara sa mga gap sa floodwall at ang mabilisang pagpapalit sa mga ninakaw na flap gate na naging dahilan ng pagpasok ng tubig sa mga kabahayan.

Samantala, habang isinasaayos ng DPWH ang mga imprastraktura, tuloy-tuloy naman ang street at sidewalk flushing sa Riverside Provident Village upang maalis ang naiwang putik at dumi ng baha.

Sa direktiba rin ng Marikina LGU, patuloy ang clearing at cleaning operations ng mga kawani sa 12th Ave. Phase 2, Brgy. Nangka upang hakutin ang mga basura, putik, at sirang gamit para agad na maibalik ang kaayusan sa komunidad.

Facebook Comments