
Ibinunyag ng abogado ng tinaguriang 18 Maleta Boys na ino-offeran ng tig-P20-M hanggang P25-M ang 14 pang dating sundalo para mag-recant o bawiin ang kanilang mga testimonya kaugnay ng pagde-deliver nila ng male-maletang pera sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Atty. Levito Baligod, isa sa mga complainant ang nag-o-offer ng naturang halaga para bawiin ang naunang salaysay.
Hindi pa naman pinangalanan ni Baligod kung sino ang nasal likod ng panunuhol para bawiin ng Maleta Boys ang kanilang mga testimonya.
Pero sinabi nitong si dating Senator Antonio Triillanes IV ang nasa likod ng pag-atras ng mga dating sundalo sa kanilang mga salaysay.
Una rito, apat na dating sundalo ang bumaliktad na at binawi ang kanilang mga testimonya na pagde-deliver ng pera sa mga isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.
Itinanggi naman ng isa sa mga Malate Boy na si George Villalon na may babaliktad pa sa natitira nilang kasamahan.
Aniya kahit may alok na milyong pisong halaga para sa kanilang pagbaliktad ay hindi nila ito papatulan.










