
Ipinagtataka ng Department of Justice (DOJ) kung bakit kumalat ang mga bali-balitang naaresto na si Sen. Ronald dela Rosa.
Ayon kay DOJ Secretary Eric Vida, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) para alamin kung saan ito nagmula.
Sinabi ng kalihim na posibleng nagpapapansin lamang o plano lamang ilihis ang ginawa ng nagpakalat nito.
Sa ngayon aniya ay wala pang update tungkol sa pagtugis sa senador na noong Mayo pa huling nakita matapos tumakas sa Senado.
Noong Martes nang umugong ang impormasyon na naaresto na umano si Dela Rosa.
Pero sinabi na rin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na dadaan sa proseso ang pag-aresto kay Bato at wala silang patagong operasyon.
Si Dela Rosa ay ipinaaaresto sa bisa ng warrant mula sa ICC dahil sa pagiging kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinatupad na war on drugs ng nakaraang administrasyon.










