
Mariing itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang impormasyong naaresto na ang puganteng si Senador Bato dela Rosa.
Ito ang kinumpirma sa media ni NBI Director Atty. Melvin Matibag kasunod ng mga espekulasyon na nahuli na ang senador.
Ayon kay Matibag, nagpapatuloy ang kanilang paghahanap laban sa kapwa-akusado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa crimes against humanity.
Matatandaang matapos ang mahigit kalahating taon o pag-absent mula Nobyembre 2025, sumulpot si Bato sa Senado noong Mayo 11 para sa palit-liderato pero tumakas noong madaling araw ng Mayo 14 kasunod ng shooting incident sa compound.
Samantala, sinabi naman ni Atty. Israelito Torreon, abogado ni Bato na wala siyang impormasyon sa sinasabing pagkakaaresto sa kaniyang kliyente.
Wala na umano siyang komunikasyon sa senador na huli niya pang nakausap, dalawang oras bago ito tumakas sa Senado.










