Tuesday, August 11, 2026

Pagkakatalaga kay Dr. Edwin Mercado na bagong DOH secretary, suportado ng mga senador

Sinusuportahan ng mga senador ang pagkakatalaga kay Dr. Edwin Mercado bilang Kalihim ng Department o Health (DOH).

Ayon kay Senator Chiz Escudero, ang desisyon ng Malakanyang na magtalaga ng bagong DOH Secretary ay nagbigay ng kinakailangang paglilinaw at katatagan sa ahensya matapos na maresolba ang leadership issue na naging banta sa pagkaantala ng implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Act.

Naunang hinimok ni Escudero ang palasyo na manghimasok na para matiyak ang pagpapatuloy sa pagpapatupad ng UHC program at dahil may bago nang DOH Secretary mas mabibigyang atensyon na rin ang pagpapalawak ng PhilHealth coverage at pagpapahusay pa ng access sa parehong public at private health facilities.

Sinabi naman ni Senator JV Ejercito na asahan na ang UHC friendly team sa ilalim ni Mercado.

Positibo si Ejercito na malaki ang magagawa ni Mercado sa ahensya at sa pagsusulong ng reporma bunsod na rin ng hindi matatawarang expertise nito bilang physician at healthcare executive ng kagawaran.

Welcome din sa mga senador ang pagkakatalaga naman kay Dr. Beverly Lorraine Ho bilang bagong President at CEO ng Philhealth at anila, complement ito sa bagong leadership ng DOH at makakamit ang objectives ng UHC Law para sa paghahatid ng de kalidad at abot-kayang health services sa mga Pilipino.

Facebook Comments