Thursday, August 6, 2026

Kaso ng WILD diseases sa Maynila, bahagyang tumaas

Bahagyang tumaas ang naitatalang kaso ng water-borne, influenza, leptospirosis, at dengue (WILD) diseases sa Maynila.

Sa inilabas na datos ng Manila Health Department (MHD) mula Jan. 1 hanggang Aug. 5, 2026, nasa 78 na ang naitalang kaso ng COVID-19 matapos madagdagan ng isang bagong kaso.

Umaabot naman na sa 120 ang nagkasakit ng leptospirosis makaraang maitala ang tatlong bagong kaso, at pumalo na sa 2,142 ang tinamaan ng dengue sa buong lungsod, kung saan 18 dito ang naitala nitong nakaraang araw.

Batay pa sa datos ng MHD, nasa 61 ang nagkaroon ng typhoid fever, 272 ang kaso ng Severe Acute Respiratory Infection (SARI), nananatili sa tatlo ang kaso ng cholera, at umaabot na sa 869 ang naitalang kaso ng Influenza-Like Illness.

Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ng MHD sa publiko na mag-ingat ngayong tag-ulan upang maiwasang magkasakit.

Facebook Comments