Wednesday, August 12, 2026

Palasyo, bumwelta kay sa puna ni Mayor Magalong na mabagal ang flood control probe ng pamahalaan

Bumwelta ang Malacañang kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos nitong punahin ang umano’y mabagal na imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control project.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, 2019 pa nang ilantad at imbestigahan ni Magalong ang kontrobersyal na rock netting project sa Baguio, pero makalipas ang anim na taon, wala pang napangalanan o nakasuhan kaugnay ng proyekto.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Castro kung sino talaga ang mabagal sa pag-aksyon.

Samantala, sinabi ng Palasyo na mula nang ilunsad ang malawakang imbestigasyon sa flood control projects noong October 2025, marami nang napangalanan at naimbestigahan, habang may mga warrant of arrest na rin na inilabas.

Giit ni Castro, kung may mga isyung unang inilantad si Magalong, dapat ding maipakita ang naging resulta ng mga ito.

Facebook Comments