Tuesday, August 18, 2026

Masusing imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga, ipinag-utos ni PBBM

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa insidenteng naganap sa Ateneo de Zamboanga, kasabay ng pagtutok sa mga hakbang para maiwasang maulit ang kaparehong trahedya.

Ayon sa pangulo, inatasan na niya ang mga law enforcement agency na alamin ang buong pangyayari at tukuyin kung ano pa ang kailangang gawin para maprotektahan ang mga estudyante at komunidad ng mga paaralan.

Binigyang-diin ni Marcos na dapat kabilang ang mga paaralan sa pinakaligtas na lugar sa bansa.

Tiniyak din ng pangulo na makikipagtulungan ang pamahalaan sa mga paaralan at komunidad para palakasin ang mga pananggalang sa seguridad at matiyak na makapag-aaral ang mga kabataan nang walang takot.

Nagpaabot naman siya ng pakikiramay sa mga pamilya at sa buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga sa trahedyang aniya ay hindi na dapat maulit.

Facebook Comments