
Mariing kinontra at itinanggi ni House Appropriations Committee Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing ang akusasyon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may mga budget insertions o pork barrel ang mga mambabatas lalo na ang mga miyembro ng prosecution panel.
Diin ni Suansing, imposbleng magkaroon ng insertions ang mga kongresista dahil kakasumite lang sa Kamara kahapon ng 2027 National Expenditure Program o NEP at hindi pa nila ito nakikita o nasusuri.
Paliwanag ni Suansing ang pagbuo ng NEP ay nasa hurisdiksyon ng Ehekutibo.
Pagtiyak pa ni Suansing, malabo din ang insertions sa 2026 national budget dahil ang simula noong nakaraang ay marami na silang repormang ipinatupad kaya naging mas mahigpit at transparent ang pagdinig at deliberasyon sa pambansang pondo.










