Tuesday, August 18, 2026

Ama ng CICL na nasa likod ng shooting incident sa loob ng paaralan sa Zamboanga City, kinumpirmang tauhan ng BOC; nasabing ama, ni-relieve na sa pwesto

Kinumpirma ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na kanilang tauhan ang tatay ng Child in Conflict with the Law (CICL) na nasa likod ng shooting incident sa loob ng isang paaralan sa Zamboanga City.

Ayon kay Nepomuceno, ni-relieve na sa pwesto ang nasabing tatay ng CICL para sa imparsyal na imbestigasyon at malaman kung nagkaroon ng negligence sa parte ng nasabing kanilang tauhan kung paano nagkaroon ng baril ang kanyang anak.

Ang nasabing tatay ay ang district commander ng Enforcement and Security Services sa Zamboanga, isa itong Custom Police ng BOC na naka-assigned sa port ng nasabing lugar.

Nakikisimpatya naman si Nepomuceno sa pamilya ng kanilang tauhan.

Tinutukoy naman ng BOC sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) kung ang mga armas na ginamit ng CICL ay issue mula sa kanila.

Facebook Comments