Wednesday, April 22, 2026

Ilang grupo, sabay na kinalampag ang tanggapan ng Kamara de Representante sa Batasang Pambansa

Sanib pwersang kinalampag ng grupong Bunyog Pagkakaisa Party at Akbayan Partylist ang gate ng Kamara de Representante sa Batasang Pambansa, Quezon City.

Ito ay para ipanawagan sa Kamara na panagutin ang sinumang nagkasala at sangkot sa korapsyon, partikular ang transparent at maayos na pagdinig o paglilitis sa kinakaharap na mga reklamo ni Vice President Sara Duterte.

Kasama rin sa ipinaglalaban ng mga grupo ay ang buksan ang bank account at pagdalo ng bise presidente sa pagdinig, maging ang panagutin ang mga sangkot sa iregularidad sa flood control project simula pa noong nakaraan haggang sa kasalukuyang administrasyon.

Isinagawa ang kilos-protesta 30 minutes bago simulan ang impeachment proceedings ng House Justice Committee laban sa bise presidente.

Ayon sa grupo, babantayan nila ang mga kongresista sa botohan sa plenaryo at handa rin anila silang kumilos at magbantay hanggang sa mapanagot ang bise presidente.

Facebook Comments