Thursday, April 23, 2026

Sen. Bato dela Rosa, ‘dedma’ pa rin sa panawagan ng ilang kasamahan na huwag muna itong tumanggap ng sahod

Hanggang ngayon ay wala pa ring tugon o sagot si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa mungkahi ng ilang mga senador na huwag na muna nitong tanggapin ang kanyang sahod at allowances dahil sa hindi pagpasok sa Senado.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, ilang buwan na ang nakakaraan mula nang iparating niya ang mungkahing ito kay Dela Rosa sa pamamagitan ng anak ng senador na kaniyang chief of staff sa opisina.

Gayunman, wala pa ring sagot si Dela Rosa sa naging panawagan na huwag na muna itong tumanggap ng sweldo.

Umaapela naman si Sotto kay Dela Rosa na magpasya na ito sa lalong madaling panahon at huwag nang hintayin na maisalang pa ang kanyang kaso at ang Senate Ethics Committee pa ang magdesisyon.

Nauna ring sinabi ni Ethics Committee Chairman Senator JV Ejercito na wala ring tugon sa kanya si Dela Rosa matapos ang mungkahing magkusang-loob na ito na hindi tumanggap ng sweldo.

Facebook Comments