
Mas mahaba ngayon ang oras ng red alert status na ipatutupad sa Visayas Grid.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mula sa tatlong oras kahapon, ngayon ay anim na oras na naka-Red Alert status ang Visayas Grid o mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ipinapatupad ang Red Alert kapag mas mababa na ang kabuuang suplay ng kuryente kumpara sa konsumo ng publiko, dahilan upang magkaroon ng banta ng rotational brownout kung hindi maibababa ang demand.
Samantala, ang Yellow Alert ay ipatutupad naman bandang alas-2:00 hanggang alas-3:00 ng hapon at alas-9:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi.
Ang Yellow Alert ay itinataas kapag mas mababa ang suplay ng kuryente kaysa karaniwan dahil sa pagnipis ng mga reserba.
Kabilang sa mga dahilan sa pagtatas ng Red at Yellow Alert ang pagpalya ng walong planta na sa ngayon ay nasa forced outage; isang planta ang nagkaaberya noong July, tatlo noong June, pito noong May, isa noong Marso, tatlo noon pang 2025, dalawa noong 2024, dalawa noong 2023 at isa noong 2021.
Ang 14 na planta naman ay gumaganap pero ito ay may limitadong kapasidad.
Kabilang pa rito ang pumalya at hindi available na large coal plants TVI 1, TVI 2, KSPC 1 sa Visayas at limitadong power import mula Mindanao dahil sa mataas na demand forecast sa rehiyon ang ang planadong outage ng TSI 1.










