Friday, August 28, 2026

Alegasyong maling paggamit ng confidential funds ni VP Duterte, maaari nang pagpasyahan ng impeachment court kahit wala pang pinal na COA findings

Para sa House Prosecution Panel, maaaring magpasya ang Senate Impeachment Court sa alegsyong maling paggamit ni Vice President Sara ng confidential funds kahit wala pang pinal na findings dito ang Commission on Audit (COA).

Tugon ito ni House prosecution spokesperson Kabataan Party-list Representative Renee Co makaraang hikayatin ni Senator-Judge Juan Miguel Zubiri sa impeachment court na hilingin sa COA na maglabas ng pinal na desisyon sa findings nito para maging gabay nila sa pagpapasya.

Diin ni Co, ang magiging hatol ng impeachment court sa impeachment trial ay maaring ibatay sa mga testimonya at ebidensya na ipinrisinta kahit wala pang final COA findings.

Paliwanag ni Co, hiwalay ang pamantayan sa impeachment trial kung saan ang sinusubok ay kung may nagawang betrayal of public trust habang sa COA ay rules and regulations at applicable administrative rules and jurisprudence ang pamantayan.

Facebook Comments