Friday, October 23, 2026

PBBM, gagawaran ng honorary degree ng PLM

Gagawaran ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ng honorary degree si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang pagkilala sa kanyang natatanging ambag at serbisyo sa bansa.

Ang honorary degree ay isang akademikong degree na ibinibigay ng pamantasan sa isang tao bilang pagkilala sa kanyang mahalagang kontribusyon sa lipunan o sa bansa, kahit hindi niya ito nakuha sa pamamagitan ng regular na pag-aaral sa unibersidad.

Tatanggapin ng pangulo ang parangal bilang panauhing pandangal sa ika-58 Commencement Exercise ng PLM ngayong umaga, alas-10.

Matapos ang seremonya, tutungo ang pangulo sa San Jose, Batangas para bisitahin ang Batangas Egg Producers Multipurpose Cooperative.

Nakatuon ang kooperatiba sa produksyon, pagproseso, marketing at distribusyon ng mga produktong itlog.

Kabilang sa mga pangunahing proyekto nito ang Egg Processing Plant na itinayo noong 2012 sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture.

Facebook Comments